Ilang US citizens kasama sa mga nasawi sa Sri Lanka blasts

Kabilang ang ilang mga Amerikano sa 207 nasawi sa serye ng pagsabog sa mga hotel at simbahan sa Sri Lanka ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo.

“While many details of the attacks are still emerging, we can confirm that several US citizens were among those killed,” ani Pompeo.

Sa ngayon anya ay walang tigil ang pagtatrabaho ng US Embassy upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan na naapektuhan ng pag-atake.

Nauna nang naipaulat na ang bilang ng mga nasawing foreigners ay nasa pagitan ng 27 hanggang 35 kabilang ang mga British, Americans at Dutch.

Nagpahayag ng mariing pagkondena ang White House sa terrorist attacks.

Ayon naman kay US President Donald Trump, handang tumulong ang kanilang bansa sa mga biktima ng mga pagsabog.

Kinondena na rin ng ilan pang world leaders ang mga pag-atake na inilarawan nilang kakila-kilabot at terible.

Ilan sa mga nagpahayag ng pagkondena at simpatya ay sina British Prime Minister Theresa May, Dutch Prime Minister Mark Rutte, Australian Prime Minister Scott Morrison, New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, Pakistani leader Imran Khan, Indian leader Narendra Modi, EU commission chief Jean-Claude Juncker at maging si Pope Francis Francisco.

Read more...