Sa pinakahuling datos ng PRC alas-6:00 ng gabi ng Linggo, sinabi ng Red Cross na pitong major cases ng fractures, zeisure at loss of consciousness ang kanilang tinugunan.
Dalawampu’t siyam naman ang dinala sa mga ospital dahil sa pagkahimatay, labis na pananakit ng katawan, kahirapan sa paghinga at head trauma.
Umabot naman sa 433 ang tinulungan ng Red Cross matapos makaranas ng minor injuries tulad ng sugat, sprain, muscle cramps, jellyfish sting, pagkahilo at pagsusuka.
May nangailangan din ng psychosocial support, referral at tracing na umabot sa 145.
Samantala, pinakamarami ang bilang ng kinailangang mamonitor ang blood pressure na umabot sa 7,826.
Nagpasalamat ang PRC sa kanilang mga staff at volunteer na iginugol ang kanilang mga oras para makapagserbisyo sa nagdaang long weekend.
Nagbigay ng serbisyong medikal ang PRC sa mga beach at pool resorts, simbahan, bus terminals, parke, pantalan at highways.