15 sugatan sa aksidente sa Davao City

Labinlima katao ang sugatan sa nangyaring salpukan ng motorsiklo at dalawang sasakyan sa Brgy. Binugao, Toril, Davao City, Linggo ng gabi.

Kritikal ang kondisyon ng driver at angkas ng motorsiklo matapos maipit sa mga sasakyan.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang nasa isang lane ang motorsiklo at ang SUV ay biglang nag-overtake ang SUV sa sinusundang sasakyan ngunit hindi nakita na may palikong motorsiklo sa harap nito na naging sanhi ng aksidente.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang SUV at motorsiklo sa kabilang lane dahilan para mabangga naman ang kasalubong na pick-up.

Samantala, nagtamo lang ng minor injuries ang mga pasahero ng dalawa pang sasakyan dahil sa airbag.

Read more...