Umabot sa 114,260 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi ng Linggo ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Kasabay ito ng inaasahang dagsa ng mga papauwi mula sa holiday break.
Pinakamarami ang outbound passengers sa Central Visayas na may 21,111; sinundan ng Western Visayas na may 19,481; at Southern Tagalog na may 18,742.
Narito ang bilang ng mga pasahero sa iba pang lugar sa bansa:
National Capital Region – 2,147
South Western Mindanao – 4,126
Palawan – 2,798
North Western Luzon – 4,321
South Eastern Mindanao – 8,742
Bicol – 5,711
Northern Mindanao – 10,993
Eastern Visayas – 5,183
North Eastern Luzon – 613
Southern Visayas – 10,292
Inaasahang marami pa ring mga pasahero ang dadagsa sa mga pantalan ngayong araw ng Lunes.