M3.2 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-10:51 gabi ng Linggo.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 14 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Cagwait.

May lalim ang pagyanig na 29 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...