LOOK: Chynna Ortaleza, buntis sa ikalawang baby

Photo grab from Kean Cipriano’s Instagram account

Buntis na ang aktres na si Chynna Ortaleza sa kanilang ikalawang baby ang musikerong si Kean Cipriano.

Sa Instagram, masayang ibinalita ni Kean ang panibagong regalo sa kanilang pamilya sa Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

Makikita sa larawan ang baby bump ni Chynna kasama si Kean at ang unang anak na si Stellar.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga tagasuporta kina Chynna at Kean.

Matatandaang isinilang ni Chynna si Stellar tao noong April 2016.

Read more...