PCG, walang naitalang matinding problema sa mga pantalan sa Holy Week

PCG PHOTO

Walang naranasang matinding problema ang Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan sa bansa sa nagdaang Semana Santa.

Sa isang panayam, sinabi ni Capt. Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, na ito ay dahil patuloy pa rin ang kanilang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga pantalan.

Tanging minor incidents lang aniya ang naganap sa ilang pantalan na agad namang naresolba.

Sa ngayon, unti-unti na aniyang dumarami ang mga bumibiyahe pabalik ng Metro Manila mula sa iba’t ibang probinsya.

Ani Balilo, nakapagtala ang PCG ng nasa 112,000 na pasahero noong Biyernes Santo, April 19.

Inaasahan pa aniya ang pagdagsa ng mga pasahero sa araw ng Lunes, April 22.

Read more...