Northbound at Southbound lanes ng NLEX, SLEX, maluwag pa

Nananatili pa ring maluwag ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) alas 9:35 ng umaga kahit papatapos na ang Holy Week.

Sa larawan ng daan sa Twitter account ng NLEX, kita na maluwag ang lagay ng trapiko sa northbound at southbound lanes ng nasabing expressway.

Bukod sa NLEX, maluwag rin ang mga daan papuntang Alabang, Ayala, at Calamba, Laguna sa parehas na northbound at southbound lanes ng South Luzon Expressway (SLEX).

Inaasahang dadagsa na ang mga motoristang pabalik ng Maynila mamayang gabi at bukas ng umaga.

Read more...