Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine National Police Spokesman Colonel Bernard Banac na 37 katao ang nasawi dahil sa pagkalunod mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula noong Abril 5 hanggang kahapon April 20.
Pito katao naman ang naiulat na nasawi kahapon sa vehicular accident sa Kalinga habang 15 ang nasugatan at nagpapagamot pa hanggang ngayon.
Isang pampasaherong bus ang naaksidente rin sa Bicol Region kung saan mahigit 30 katao ang nasugatan.
Ayon kay Banac, apat na kaso ang pagnanakaw ang naitala sa buong bansa.
Sa kabila ng mga aksidente, itinuturing pa rin ng PNP na generally peaceful ang paggunita sa Semana Santa.
Paalala ni Banac sa publiko, maging maingat sa pagsu-swimming at maging sa pagmamaneho.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Banac: