Sa mensahe, sinabi ng pangulo na ang Easter Sunday ay isang okasyon na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa lahat dahil inaalala ang sakripisyo ng Panginoon.
Aniya pa, maging panahon sana ito ng bagong simula na pinipili ang mabuti para sa lahat.
Naniniwala rin ang pangulo na ang Easter ay pinagpalang panahon upang ibalik ang mga nawalang koneksyon sa pagpapaunlad ng bayan, lalo na sa darating na eleksyon.
Sana umano ay maging matibay ang intergridad at lumitaw ang totoong nais ng mga tao.
Umaasa rin umano ang pangulo na ang mga kasamaan na dala ng lipunang mapanira na kanilang kinakalaban ay maitataboy ng kanilang matatag na pananampalataga sa Maykapal.