Pambato ng Pilipinas sa 2019 Asian Youth Bowling Competition, nag-uwi ng gold medal

Nag-uwi ng gintong medalya ang pambato ng Pilipinas na si Merwin Tan matapos manalo Sa 20th Asian Youth Tenpin Bowling Championship na ginanap sa Kuching, Sarawak, Malaysia.

Ang 19 Anyos na si Tan ay nanalo sa boy single’s event na may six games kung saan mayroon siyang kabuuang 1,352 pinfalls noong araw na magbukas ang Biennial Meet.

Nakuha naman ni William Clark ng Australia ang silver medal habang si Park Sang-Hyeok ng South Korea ang nakasungkit ng bronze medal.

Read more...