Patay ang limang indibidwal sa magkakahiwalay na insidente sa Isabela ngayong Semana Santa.
Ayon sa ulat ng pulisya, sa magkakasunod na araw ng Huwebes, Biyernes, at Sabado ay apat ang nasawi sa mga banggaan habang ang isa ay nalunod.
Noong sabado, Abril 20, inararo ng trailer truck ang isang motorsiklo sa highway ng Barangay Sinippil.
Kinilala ang driver ng truck na si Bobby Joe Oliquimo habang ang nasawing motorcycle rider ay kinikilala pa rin ng pulisya.
Biyernes santo naman sa bayan ng Roxas, sumalpok ang isang motorsiklo na minamaneho ni Celedonia Fernandez, 66 anyos, sa isang Innova Sedan na gamit ni Kirsten Charis Mata.
Namatay si fernandez dahil sa mga bali sa katawan at tama sa ulo pagkatapos tumalsik mula sa motorsiklo. Sumuko agad si Mata sa pulisya.
Sa kaparehong araw, may banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Cadon kung saan patay si Michael Gulpe, 49 anyos.
Ang dyarber na si Charles Antonio at back ride nito na si Michael Bastor Duma-an ay pawang sugatan.
Kinasuhan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide si Antonio.
Huwebes ng gabi naman nang banggain ng isang minibus ang motorsiklo ni Richard Inaldo na binawian rin ng buhay. Ang bus driver na si Jeffrey Dante ay sumuko sa pulisya.
Sabado ng hapon naman sa Iligan City, nalunod si Gomer Karl Balanon, 18 anyos na estudyante, sa Abuan River sa Barangay Imelda.
Ayon sa pulisya lumangoy umano si balanon sa malalim na parte ng ilog nang ito ay malunod.