PCG nakapagtala ng 110K na pasahero sa Sabado de Gloria

Naitala ang Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Transportation (DOTr) ng 110,300 na pasahero sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa kahapon, Abril 20.

Ang bilang ng mga bumayahe na nai-rekord ay mula alas 12 ng tanghali hanggang alas 6 ng hapon ng Sabado de Gloria.

Ang Southern Tagalog ang may pinakamaraming bugso pasahero.

Narito ang mga bilang ng pasahero sa:

1.National Capital Region-Central Luzon – 3,441

2.Central Visayas – 18,206

3.South Western Mindanao – 3,591

4.Palawan – 2,640

5.Southern Tagalog – 20,296

6.Western Visayas – 17,284

7.North Western Luzon – 4,314

8.South Eastern Mindanao – 11,612

9.Bicol – 6,429

10.Northern Mindanao – 8,470

11.Eastern Visayas – 4,298

12.North Eastern Luzon – 995

13.Southern Visayas – 8,754

Ang pagmomonitor na ito ng PCG at DOTr ay bahagi ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos 2019.

Read more...