Meralco magsasagawa ng maintenance works… Ilang lugar mawawalan ng kuryente

Magsasagawa ang Manila Electric Co. o Meralco ng maintenance works na magreresulta ng pagkawala ng kuryente sa ilang lugar mula sa susunod na Martes, Abril 23, hanggang Linggo, Abril 28.

Apektado ng scheduled power interruptions ang mga lungsod ng Caloocan, Las Pinas, Makati, Maynila, Paranaque, Pasay, Taguig, Valenzuela, at Quezon City.

Mawawalan din ng kuryente sa mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ilan sa mga isasagawang pag-aayos ay ang pagkukumpuni ng mga connections, paglalagay ng mga bagong poste, line reconducting, pagdadagdag ng lightning protection devices, pag-upgrade at paglilipat ng mga pasilidad na apektado ng mga kasalukuyang construction sites sa mga nasabing lugar.

Read more...