Pagsabog naganap sa Davao City Police Office

Isang pagsabog ang naganap sa Davao City Police Office bago magtanghali ng Sabado de Gloria, April 20.

Nangyari ang pagsabog alas 11:30 ng umaga sa loob ng Explosive Ordinance Division (EOD).

Sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, walang napaulat na nasugatan sa insidente.

Nagpapatuloy pa ang isinasagawang clearing operation sa lugar at inaalam kung ano ang naging dahilan ng pagsabog.

Read more...