4 na estudyante arestado sa buy-bust sa apartelle sa QC

Arestado ang apat na mag-aaral sa ikinasang buy-bust operation sa isang apartelle sa Quezon City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Zachary Benedict Almorado, 21, at James Amaro, 19 kapwa nag-aaral pa; at ang dalawang working students na sina Christian Miko, 21 at Joshua Dela Cruz, 19 anyos.

Nakuha sa apat ang P13,600 na halaga ng ilegal na droga.

Ayon kay Police Lt. Col. Giovanni Caliao, ang apat ay nadakip sa loob ng Room 17, Jeepneyline Apartellesa Yale Street, Barangay E. Rodriguez, sa Cubao.

Nakuha sa kanila ang dalawang gramo ng shabu, marked money na P500, isang aluminium foil, two disposable lighters at coin purse.

Read more...