Nawawalang yate natagpuan sa Antique

Natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang yate na unang napaulat na nawawala.

Ang yate na may pangalang “Breakaway” ay pag-aari ng Lithuanian National na si Deivis Maciulisl.

Naglayag ang yate mula Cuyo, Palawan patungong Boracay at dumating nuong April 16.

Iniwan ito ng Maciulis at asawa niyang Pinay na naka-anchor sa Boracay at natuklasang nawawala noong April 19 ng hapon.

Agad iniulat sa mga tauhan ng coast guard ang pagkawala ng yate.

Sa isinagawang search operation ay natagpuan ang yate sa karagatang sakop ng Caluya, Antique.

Read more...