Matapos ang dalawang araw na ban, maari na muling makabalik sa pangangampanya ang mga kandidato ngayong araw.
Sa ilalim ng Comelec Resolution 10488, ipinagbabawal ang kampanya kapag Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Ngayon araw, Black Saturday, pwede na ulit mangampanya ang mga kandidato.
Sa May 11, 2019 ang huling araw ng kampanya.
Dahil dito, mayroon na lamang nalalabing tatlong linggo ang mga kandidato upang mangampanya.
Nuong April 13 ay nagsimula na ang botohan para sa Overseas Absentee Voting na tatagal hanggang May 13.
MOST READ
LATEST STORIES