LOOK: Day 5 ng maintenance activities sa MRT-3

DOTr Photo
Puspusan pa rin ang ginagawang maintenance activities ng mga tauhan ng DOTr MRT-3 ngayong Biyernes Santo, 19 Abril 2019.

Target na matapos ngayong araw ang paglalagay ng galvanized paint sa turn buckle assembly, shackle plate, guy anchor, back guy, anchor bolt, support bracket, at base plate; pagkukumpuni at pagpapalit ng maluluwag na anchor bolts at rail fastener; gayundin ang paglilinis ng mga istasyon.

Katuwang ang mga tauhan ng DOTr MRT-3, masusing sinuri ni Warren Phillips, miyembro ng Australian Advisory Panel para sa MRT-3, ang mga riles ng tren.

Ito ay upang malaman ang mga susunod na hakbang para mas maging pulido ang pagsasaayos ng riles.

Magpapatuloy ang maintenance activities hanggang Linggo, 21 Abril 2019.

Magbabalik-operasyon ang MRT-3 sa Lunes, 22 Abril 2019.

Read more...