Lenten message ni Pangulong Duterte: Uphold what is good and just

“Uphold what is good and just”.

Ito ang nilalaman ng Lenten message ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga Filipino.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na siya ay nakikiisa sa paggunita ng Holy Week ng lahat ng Kristiyanong Filipino sa bansa at maging ang mga nasa iba pang panig ng mundo.

Ayon sa pangulo, nawa ang panahong ito ay maging oportunidad sa bawat isa upang manalangin at mag-reflect.

Magsilbi din aniya sana itong inspirasyon upang mapagtibay pa ang tungkuling manilbihan sa sambayanan lalo na sa mga labis na nangangailangan.

“May this blessed occasion be an opportunity for prayer and reflection as we strive to uphold what is good and just,” ayon sa pangulo.

Read more...