Scottish nailigtas ng Coast Guard sa karagatang sakop ng Cebu

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard lulan ng BRP Suluan ang isang dayuhan sa karagatang sakop ng Catmon, Cebu.

Sugatan si Ronald Cruickshank, 64 anyos mula Scotland, at sakay ng My Hawkeye.

Nagpadala ng distressed call ang dayuhan habang sya ay nasa 5NM East ng Catmon matapos magtamo ng head at back injuries dahil sa personal accident.

Tumirik ang sinasakyan ng dayuhan makaraang magkaproblema sa makina.

Sakto naman na nagsasagawa ng regular na pagpapatrulya ang MRRV 4406 ng Coast Guard District Central Visayas at agad itong rumpesponde sa kinaroroonan ng dayuhan.

Dinala ang sailing boat ng dayuhan sa Carmen, Danao habang si Cruikshank ay dinala sa Danao Provincial Hospital.

Read more...