Taiwan niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang east coast ng Taiwan.

Ayon sa Central Weather Bureau naitala ang lindol sa 10 kilometers northwest ng eastern coastal city na Hualien.

May lalim itong 10 kilometers base sa datos ng US Geological Survey.

Naramdaman ang lindol sa maraming gusali sa Taipei.

Wala namang napaulat pa na pinsala dahil sa nasabing pagyanig.

Read more...