LOOK: Maintenance activities sa MRT-3 tuloy ngayong Huwebes Santo

Tuloy ang pagkukumpuni sa mga tren at riles ng MRT-3.

Maliban sa pagkumupuni at pagsasaayos sa mga riles at sa mga tren, nagpapalit din ng kable at nililinis ang mga istasyon.

Ngayong Huwebes Santo, April 18, itinuloy ng mga tauhan ng MRT-3 ang aktibidad.

Tatagal ang maintenance activities hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, April 21.

Ngayong araw, huwebes Santo, tatapusin ang pagpapalit sa cantilever insulator, preventive maintenance ng track circuit, at marami pang iba.

Sa Lunes, April 22 ay balik na sa normal ang operasyon ng MRT-3.

Read more...