Sa datos mula sa PAGASA, nasa 45.9 degrees Celsius ang heat index sa Aurora bandang 2:00 ng hapon.
Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.
Ikinokonsidera sa danger category ang mga lugar na mayroong heat index na 41 degrees Celsius o higit pa.
Narito ang ilang heat index na naramdaman sa ilang sumusunod na lugar:
– 44.6 degrees Celsius sa Ambulong, Batangas
– 43.2 degrees Celsius sa Sangley Point, Cavite
– 42.6 degrees Celsius sa Guiuan, Eastern Samar
– 42.5 degrees Celsius sa Pasay City, Manila
– 42.3 degrees Celsius sa Cuyo, Palawan
– 42.3 degrees Celsius sa San Jose City, Occidental Mindoro
– 42 degrees Celsius sa Roxas City, Capiz
– 41.6 degrees Celsius sa Cotabato City, Maguindanao
– 41.3 degrees Celsius sa Tuguegarao City, Cagayan
Posibleng makaranas ang mga residente ng mga apektadong lugar ng heat exhaustion na maaaring magdulot sa heat stroke.
Samantala, hindi naman inaasahan ng weather bureau na pumalo ang heat index sa dangerous level mula April 18 hanggang 22 base sa kanilang 5-day heat index forecast.