Notre Dame Cathedral, isasara hanggang 6 na taon

Isasara ang Notre Dame Cathedral sa Paris, France matapos itong masunog noong araw ng Lunes, April 15.

Ayon kay Bishop Patrick Chauvet, isasara ang kilalang monumento nang lima hanggang anim na taon.

Ito ay dahil humina ang pundasyon ng cathedral dahil sa sunog.

Dagdag pa nito, hindi pa tiyak kung ano ang mangyayari sa trabaho ng 67 empleyado sa Paris cathedral.

Samantala, matatandaang inanunsiyo ng French prime minister na magkakaroon ng international architects’ competition para sa muling pagtatayo ng spire ng Notre Dame Cathedral.

Read more...