Ayon kay Coast Guard Spokesperson Capt. Armand Balilo, mula12 ng madaling araw hanggang 6AM kanina kabuuang 24,664 ang kanilang naitala.
Pinakamarami rito ay sa Southern Tagalog na may bilang na 10, 696 na sinundan naman ng Central Visayas na may 2,777 na mga pasahero.
Sa Western Visayas nakapagtala ang PCG ng 2,568 habang 2,467 sa Eastern Visayas.
Mayroon namang 1, 986 sa Northern Mindanao; Southern Visayas – 1,777; Bicol – 1,689; National Capital Region-Central Luzon – 381 habang pinaka kaunti sa South Eastern Mindanao na may bilang na 323.
Inaasahan ng PCG na mas darami pa ang pasahero ngayong hapon dahil sa pagsuspinde ng pasok sa trabaho sa gobyerno.