Direktor ng pelikulang ‘Avengers:Endgame’ umapela sa mga fans

Umapela ang direktor ng inaabangang pelikula na ‘Avengers:Endgame” na huwag ibubunyag ang detalye ng pelikula at maging ang istorya nito.

Sa isang open letter na pinost sa kanilang Twitter account,  nakiusap ang magkapatid na direktor na sina Joe at Anthony Russo sa mga tagahanga ng Marvel superhero movie na huwag magkwento sa iba tungkol sa takbo ng istorya.

Ayon sa magkapatid, tatlong taon nilang trinabaho ang pelikula para lamang makapagbigay ng kapana-panabik na eksena lalo na sa huling yugto ng Avengers series.

“When you see Endgame in coming weeks, please don’t spoil it for others, the same way you wouldn’t want it spoiled for you,” anila.

Nauna dito,  may mga kumakalat na sa internet tungkol sa di umano’y takbo ng istorya ng pelikula.

“Have worked tirelessly for the last three years with the sole intention of delivering a surprising and emotionally powerful conclusion”

Nitong Martes ay nagtrending ang nasabing liham ng Russo brothers na may hashtag na #DontSpoilTheEndgame.

Sa susunod na Linggo ay nakatakdang ipalabas ang pelikula na magsisilbing konklusyon sa 22 Marvel films at kasunod ng ‘Avengers: Infinity War.”

Read more...