Pangulong Duterte, nagbanta na sisibakin ang mga opisyal sa MWSS

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niya ang lahat ng opisyal ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS).

Pahayag ito ng pangulo matapos magalit sa MWSS dahil sa naranasang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila kamakailan.

Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng PDP-laban sa Tuguegarao City, binatikos nito ang MWSS dahil sa kabiguan na paghandaan ang epekto ng El niño.

Ayon sa pangulo, maraming magagaling na engineer sa bansa ang maaring pumalit sa mga opisyal ng MWSS.

Una rito, nagbanta na rin ang pangulo na i-terminate ang kontrata ng mga water company sa MWSS.

Read more...