Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng agresibong hakbang ng China sa South China Sea kabilang na ang paoching o pangunguha ng Chinese vessels ng giant clams o taklobo sa Scarborough shoal.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kahit na nagpasaklolo na ang Integrated Bar of the Philippines sa Supreme court para mag-isyu ng writ of kalikasan, ang negosasyon pa rin ang pinakamabisang paraan sa naturang problema.
Dapat aniyang maging maingat ang mga petitioner at ikunsidera ang ibang bagay.
Sa ngayon, ipinatutupad na aniya ng gobyerno ang writ of kalikasan sa pamamagitan ng paglalagay ng coast guards sa lugar.