Matinding abala ang sinapit ng mga motorista matapos maaksidente ang isang trak na may dalang mga karton sa southbound lane ng C5 Libis Flyover, Quezon City hatinggabi ng Miyerkules.
Nahulog ang mga karton makaraang masira ang tali ng mga ito.
Ayon sa drayber ng truck na si Ryan Baldera, nakatakdang dalhin ang mga karton sa Pasig ngunit naputol ang lubig na nakapalibot dito.
Sinakop ng 400 bundles ng karton ang isang lane ng kalsada dahilan para hindi ito madaanan ng mga motorista.
Gagamitin sana ang mga karton para sa produksyon ng paper food storage ng isang fast food chain.
Bumaba ang ilang mga motorista at tumulong sa mga traffic personnel para linisin ang kalsada mula sa mga karton.
MOST READ
LATEST STORIES