Ayon kay security screening officer Kristoffer Mijares, tumunog ang metal detector bunsod ng sinturong suot ng dayuhan.
Kinapkapan niya ang suspek at dito na nakita ang bote na naglalaman ng mga sachet ng hinihinalang shabu na isinilid sa isang diaper.
Sampung malalaking sachet ng shabu ang nakuha mula sa suspek na may bigat na 60 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P400,000.
Napag-alamang nagbakasyon lamang ang dayuhan sa bansa at nakatakda na sanang umuwi ng Palau.
Ayon sa suspek, isang kaibigang Filipina ang nag-abot sa kanya ng bote na nakasilid sa isang diaper.
Mahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa section 4 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o importation of illegal drugs.