BJMP naka-red alert simula ngayong araw

Itinaas ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang red alert status simula ngayong Miyerkules Santo upang matiyak ang kaligtasan ng mga piitan ngayong Semana Santa.

Ayon kay BJMP director Allan Iral, iiral ang red alert status hanggang sa Sabado de Gloria.

Inaasahan umano ngayong linggong ito ang dagsa ng mga bibisita sa mga bilangguan.

Inatasan ni Iral ang lahat ng regional directors na bantayan ang pagtanggap sa mga bisita at pinatiyak din na maiiwasan ang anumang untoward incident.

Ayon sa opisyal, kanselado ang leave ng 13,500 personnel ng BJMP sa 476 na bilangguan sa buong bansa.

Pinaigting naman ang security at safety measures dahil sa paglahok ng ilang mga bilanggo sa mga aktibidad kaugnay ng Semana Santa.

Read more...