Sunog sa Notre Dame Cathedral, posibleng aksidente at hindi arson

AP photo

Inihayag ng mga prosecutors sa France na posibleng aksidente ang dahilan ng sunog sa makasaysayang Notre Dame Cathedral sa Paris.

Mahigit 400 na bumbero ang nag-apula sa sunog na tumupok sa itaas na bahagi ng simbahan.

Umabot sa 14 na oras ang pagpatay ng mga bumbero sa sunog.

Ayon kay Paris public prosecutor Remy Heitz, walang malinaw na indikasyon na arson o sinadya ang sunog sa simbahan.

Isang bumbero ang nasugatan sa sunog na nagsimula matapos isara ang cathedral sa publiko.

Inimbestigahan kung “involuntary destruction by fire” ang nangyari kung saan kinuwestyon ang mga manggagawa na nagtatrabaho para sa restoration o renovation ng Notre Dame.

Read more...