Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, itinaas na ang ‘heightened alert status’ sa mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Filipino na babiyahe ngayong holiday break.
Nagdagdag na anya ng deployment ng security forces sa mga matataong lugar tulad ng bus terminals, airports, seaports, mga simbahan, malls, at public recreation areas.
“Public safety continues to be our top priority. These include additional security deployments in different areas of convergence, such as bus terminals, airports, seaports, vital government and private installations, churches, malls, and other public recreation areas,” ani Panelo.
Hinimok ng kalihim ang publiko na makipagtulungan sa isinasagawang security checkpoints at sumunod sa mga batas trapiko.
“We call on the public for their support through cooperation in the conduct of safety checks and security checkpoints, compliance with traffic regulations and continued maintenance of complete situational awareness of their surroundings,” dagdag ni Panelo.
Nagpayo rin ang Malacañang na isumbong ang mga kahina-hinalang indibidwal at mga bagay.
Samantala, umaasa ang Palasyo na maalala ang Semana Santa bilang panahon upang makapagnilay.
Ani Panelo, maging inspirasyon nawa ang sakripisyo at kababaang-loob ni Hesukristo upang magtulungan ang bawat isa sa panahon ng pangangailangan at pagsubok.
“Let us also remember that Lent is a time for reflection. It is a genuine message of solidarity to everyone regardless of the differences in our affiliation or denomination. May the life of sacrifice and humility that Jesus Christ had lived serve as an inspiration to us all so that we may continue to help each other especially in times of need and adversity,” dagdag ng opisyal.