Cagwait, Surigao del Sur niyanig ng lindol

Naitala ang magnitude 3.8 na lindol sa lalawigan ng Suriago del Sur Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, dakong 1:10 ng umaga tumama ang episentro ng lindol sa bayan ng Cagwait.

Tectonic ang lindol na may lalim na 25 kilometro.

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian at aftershocsk bunsod ng lindol.

Read more...