‘Heightened alert status’ itinaas sa mga pantalan ngayong Semana Santa

Phil. Coast Guard photo

Mas mahigpit na seguridad ang inilatag sa lahat ng pantalan sa bansa sa gitna ng Semana Santa.

Kasabay nito, itinaas ang “heightened alert status” sa mga pier kasabay ng dagsa ng mga pasahero pauwi sa mga lalawigan.

Sa Batangas Pier, dagdag na security measures ang ipinatutupad kabilang ang pagbubukas ng bagong main gate sa mga walk-in na pasahero.

Samantala, mano-mano ang inspeksyon ng Philippine Coast Guard sa mga bagahe sa mga pantalan.

Dumaraan naman sa 3 klase ng inspeksyon ang mga sasakyan bago isampa sa barko.

Muling nagpaalala ang mga otoridad na huwag nang magdala ng mga bawal na gamit gayundin ang hayop, hilaw na karne, meat products na walang kaukulang dokumento.

Read more...