Number Coding suspendido mula ngayong araw hanggang Lunes, April 22

Suspendido na ang number coding simula ngayong Miyerkules Santo, April 17 at tatagal hanggang Lunes, April 22.

Awtomatikong suspendido ang number coding para sa April 18 at 19 na kapwa regular holiday.

Ang suspensyon ngayong araw ng Miyerkules ay bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga motoristang babiyahe sa mga lalawigan para magbakasyon at gunitain ang Semana Santa.

Sa Lunes naman April 22 ay inaasahang dadagsa ang mga motoristang pabalik ng Metro Manila.

Samantala, kasama na sa suspensyon ng number coding ang Makati at Las Piñas.

Read more...