Standhardinger pinagmulta ng P20,000 dahil sa aksidenteng ‘low kick’ kay Calvin Abueva

Pinagmulta ng PBA ng P20,000 si Christian Standhardinger ng San Miguel dahil sa “low kick” kay Calvin Abueba sa semifinals series laban sa Phoenix noong Lunes.

Tinawagan si Standhardinger ng flagrant foul penalty 2 dahil sa pagsipa kay Abueva at na-eject ito sa laro.

Sa naturang laro ay ilang beses na naggirian ang 2 players.

Sa isang punto ay tumama ang paa ni Standhardinger sa mukha ni Abueva sa isang loose-ball play.

Pagkatapos ay muling nanipa ang San Miguel big man na tumama malapit sa maselang bahagi ni Abueva, bagay na ayon kay Standhardinger ay isang aksidente.

Samantala, pinagmulta naman si Abueva ng P15,00 dahil ilang beses itong sumenyas gamit ang gitnang daliri.

Habang si Doug Kramer ay pinagmulta ng P5,000 para sa kanyang flagrant foul 1 kay San Miguel center June Mar Fajardo.

Read more...