Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong Semana Santa.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ang bilang ng outbound passengers mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi araw ng Martes ay umabot na sa 88,018.
Pinakamarami ang mga pasahero sa Southern Tagalog na may 16,080; sinundan ng Central Visayas sa 15,017; at Western Visayas namay 14 647.
Narito ang bilang ng mga pasahero sa iba’t iba pang pantalan sa bawat lalawigan rehiyon:
National Capital Region-Central Luzon: 1,846
South Western Mindanao: 4,156
Palawan: 2,847
North Western Luzon: 2,364
South Eastern Mindanao: 10,659
Bicol: 5,985
Northern Mindanao: 4,530
Eastern Visayas: 4,258
North Eastern Luzon: 575
Southern Visayas: 5,054
Patuloy ang pagtutok ng PCG sa mga pantalan sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019.