Nagpasamalat ang Embassy of France sa Manila sa mensahe ng Pilipinas kasunod ng sunog sa bahagi ng kilalang Notre Dame Cathedral sa Paris.
We thank our friends in the Philippines 🇵🇭 for their heartfelt messages following the massive fire that engulfed parts of the cathedral of Notre Dame de Paris. Merci beaucoup. 🇫🇷 #FluctuatNecMergitur #NotreDame pic.twitter.com/dbc45jX6A3
— France in the PH 🇫🇷🇵🇭 (@FrenchEmbassyPH) April 16, 2019
Una rito ay nakiisa ang Malakanyang sa France dahil sa pinsala ng sunog sa nasabing iconic cathedral.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, libo libong mga tao ang nagpakuha ng litrato sa harap ng makasaysayang cathedral.
Ipinarating ng kalihim ang pagkalungkot ng Pilipinas bunsod ng sunog sa Notre Dame.
Sa hiwalay naman na mensahe ni Pope Francis, sinabi nito na nagkakaisa ang lahat sa pagdarasal para sa France at mga mamamayan nito.
Pinangunahan ng Santo Papa ang panalangin para sa pagsasaayos ng cathedral matapos ang sunog.
Today we unite in prayer with the people of France, as we wait for the sorrow inflicted by the serious damage to be transformed into hope with reconstruction. Holy Mary, Our Lady, pray for us. #NotreDame
— Pope Francis (@Pontifex) April 16, 2019
Samantala nangako si French President Emmanuel Macron na ayusin ang 850 taon ng Notre Dame na isang UNESCO world heritage landmark.