Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na pwedeng umasa ang Pilipinas sa “military ally” nito na Estados Unidos kung mayroong “clear act of aggression” sa South China Sea.
Sa isang panayam, binanggit ni Locsin ang unang pagtitiyak ng Amerika noong Marso na susuportahan nito ang Pilipinas sakling magkaroon ng armadong pag-atake sa naturang pinag-aagawang teritoryo.
Bukod anya sa paghahain ng diplomatic notes sa China dahil sa umanoy panghihimasok nito sa teritoryo ng bansa, pwedeng asahan ng tulong militar ng US.
Una nang sinabi ng kalihim na Amerika pa rin ang tanging “military ally” ng Pilipinas.
Matatandaan sa pagbisita ni US Secretary of State Mike Pompeo sa bansa noong March 1 ay sinabi nito na malinaw ang kanilang obligasyon sa ilalim ng US-Philippines Mutual Defense Treaty.
Kumpyansa si Locsin sa pagtitiyak ng US na proteksyon ng mga interes Pilipinas sa South China Sea.