Lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa, araw ng Martes.
Batay sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa kabuuang 83,056 na outbound passengers mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Karamihan sa mga pasahero ay naitala sa Western Visayas na may 15,183 habang 12,096 sa Southern Tagalog at 12,102 na pasahero sa Central Visayas.
Ang iba pang pantalan na nakapagtala ng maraming bumiyaheng pasahero ay ang mga sumusunod:
National Capital Region-Central Luzon: 2,978
South Western Mindanao: 3,966
Palawan: 4,477
North Western Luzon: 669
South Eastern Mindanao: 8,105
Bicol: 9,520
Northern Mindanao: 1,986
Eastern Visayas: 3,920
North Eastern Luzon: 814
Southern Visayas: 7,240
Ang naturang bilang ng mga pasahero ay mas mataas sa bilang na naitala noong Lunes Santo.
Patuloy naman ang pagtutok ng PCG sa mga pantalan sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019.