Niyanig ng magkasunod na lindol ang Davao Occidental, Martes ng hapon.
Base sa datos ng Phivolcs, unang tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa 105 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 4:16 ng hapon.
May lalim na 11 kilometers at tectonic ang origin ang pagyanig.
Matapos ang ilang minuto, niyanig muli ng lindol ang lugar na may lakas na magnitude 3.5 sa layong 101 kilometers Southeast bandang 4:22 ng hapon.
May lalim itong 8 kilometers at tectonic din ang origin.
Gayunman, parehong walang naitalang pinsala at aftershocks matapos ang dalawang lindol.
READ NEXT
WATCH: QC mayoralty candidate Bingbong Crisologo, nilinaw ang teknikalidad ukol sa real property tax
MOST READ
LATEST STORIES