Economic Cha-cha, pinamamadali ng mga negosyante

 

Inquirer file photo

Labintatlong business groups ang nananawagan ng mabilisang pagpapatupad ng pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas na una nang isinulong ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Tinutukoy ng mga negosyante ang resolusyon ng dalawang kapulungan o ang Resolution on Both Houses 1 (RBH1) na nagsusulong ng pag-amyenda sa 1987 Constitution kung saan may ilang katagang idadagdag dito.

Partikular na magkakaroon ng pagbabago sa mga katagang “unless otherwise provided by law” sa ilang bahagi ng Article XII (national economy and patrimony) XIV (education, science and technology, arts, culture and sports) at ang XVI ( general provisions).

Sakaling maaprubahan ng Kongreso, na susundan ng plebisito, mabibigyan ng pagkakataon ng mga amyenda na mabago ang ilang restriction sa Konstitusyon.

Naniniwala ang mga lokal at foreign business groups na sa pamamagitang mga isisinusulong na pagbabago, bahagyang luluwag na ang batas sa paggawad ng restriction sa mga foreign investment at ownership.

Naniniwala ang mga negosyante na ito ang magiging susi upang magkaroon ng sustainable at inclusive economic growth sa bansa.

Sa kasalukuyan ang RBH1 ay nakalusot na sa second reading sa plenaryo.

Kinakailangan nitong makakuha ng boto ng 75 porsiyento ng mga miyembro ng Kamara sa ikatlo o thirs reading.

Read more...