Humiling ang Philippine National Police (PNP) na tanggalan ng security escorts ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidatong kabilang sa narcolist.
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP chief Gen. Oscar Albayale na ito ang unang hakbang nila sa mga kandidatong sangkot umano sa ilegal na transaksyon ng droga.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang PNP sa Comelec para pahintulutan ang agarang pagtanggal ng temporary security escorts.
Giit ni Albayalde, hindi maituturing bilang karapatan ang pagkakaroon ng security escort kundi isa lamang pribilehiyo.
Samantala, sinabi naman ng Comelec na magsasagawa sila ng assessment sa hiling ng PNP.
Matatandaang noong Marso, pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa apat na pung pulitiko na kasama sa listahan ng hinihinalang drug personalities.