Pilipinas nakiramay sa France sa pagkasunog ng Notre-Dame Cathedral

(AP Photo/Thibault Camus)

Nagparating ng pakikiisa ang Pilipinas sa France matapos masunog ang Notre-Dame Cathedral.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kaisa ang Pilipinas sa pag-aalay ng panalangin kasama ang buong mundo dahil sa nangyaring aksidente.

Binati pa nito ang pagresolba ng mga otoridad sa France para masagip at muling itayo ang kilalang monumento.

Naitayo ang Notre-Dame noong 1163.

Ikinokonsidera ito bilang isa sa pinakatanyag na halimbawa ng French Gothic cathedral architecture.

Samantala, wala namang Pinoy na naiulat na nasaktan sa nasabing sunog.

Kaagad namang nag-alok ng tulong para sa re-construction ng nasabing simbahan ang ilang grupo ng mga negosyante sa iba’t ibang panig ng mundo.

Read more...