Suplay ng kuryente ngayong Martes sapat sa buong Luzon ayon sa DOE

Inquirer file photo

Kumpara sa mga nakalipas na araw ay mas matatag ngayon ang power reserve sa Luzon Grid.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Department of Energy na iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na balik sa normal ang condition sa supply ng kuryente.

Nakatulong ng malaki sa pagkakaroon ng stable na suplay ng kuryente ang pagpasok ng Sual Unit 1 na may kapasidad na 646 megawatts.

Samantala, sinabi ng DOE sa kanilang advisory na kasalukuyang nasa forced outage mode ang mga sumusunod na planta.

Kabilang ditto ang SMCCPC Unit 2 (150 MW), SLPGC Unit 2 (150 MW) at Pagbilao Unit 3 (420 MW)

Nagbigay naman g ulat ang SCPC Unit na nagbawas sila ng power output sa 100 MW mula sa dating 200 MW.

Sa mga nakalipas na araw ay nagdeklara ng Yellow at Red alert status ang NGCP dahil sa kakapusan sa suplay ng kuryente.

Read more...