PCG: Mga pasahero dagsa na mga pier kaugnay sa Semana Santa

Inquirer file photo

Nakapagtala na ng halos 32,000 pasaherong bumibiyahe sa mga pantalan sa bansa ang Philippine Copast Guard (PCG).

Mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ng Martes, April 16, umabot sa 31,810 ang total outbound passengers na naitala ng coast guard.

Pinakamaraming naitalang pasahero sa Southern Tagalog na umabot sa 9,310.

Ang iba pang pantalan na nakapagtala ng maraming bumiyaheng pasahero ay ang mga sumusunod:

Central Visayas – 3,837

Southwestern Mindanao – 7

Western Visayas – 2,757

South Eastern Mindanao – 764

Northern Mindanao – 7,668

Eastern Visayas – 2,008

Southern Visayas – 3,241

Magpapatuloy ang monitoring ng PCG sa mga pantalan sa bansa sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2019.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng mga otoridad ang mga biyahero na magpunta ng dalawang oras bago ang alis ng sasakyang mga barko dahil sa ipinatutupad na mahigpit na seguridad.

Read more...