AFP bibili ng dagdag na night-combat equipment

 

Mula sa google

Nakatakdang bumili ng mga karagdagang kagamitan ang Armed Forces of the Philippines para maging mas epektibo sa mga pang-gabing operasyon.

Naglaan ang AFP ng P1.1 bilyong pisong pondo para sa pagbili ng night-fighting equipment na magagamit ng kanilang mga sundalo.

Plano ng sandatahang lakas na bumili ng karagdagang 4,464 na set ng night fighting gear na idedeliver ng mananalong bidder sa loob ng 180 araw.

Kasama sa kanilang bibilhin ang mga night vision monocular na ikinakabit sa helmet o sa baril.

Ito’y may infrared aiming device at laser-zeroing device.

Ang naturang mga equipment ay idadagdag sa mga vektot assault rifle, helmet force protection equipment na hawak ngayong ng militar.

Para sa mga nais na lumahok sa bidding, magaganap ang pre-bidding conference sa December 10, sa BAC DND conference room sa Kampo Aguinaldo, ayon sa AFP.

 

Read more...