Aparri, Cagayan nakapagtala na pinakamataas na heat index kahapon

Nakapagtala ang walong lugar ng delikadong antas ng heat index kahapon, araw ng Lunes (Apr. 15) ayon sa PAGASA.

Ayon sa PAGASA, ang Aparri, Cagayan ang nakapagtala ng pinakamataas na heat index kahapon na pumalo sa 44.4 degrees Celsius.

Narito ang iba pang lugar na nakapagtala ng higit 40 degrees Celsius na heat index kahapon:

• Dipolog, Zamboanga Del Norte – 44 degrees Celsius
• Ambulong, Batangas – 43.7 degrees Celsius
• Sangley Point, Cavite – 43.2 degrees Celsius
• Laoag City, Ilocos Norte – 42.9 degrees Celsius
• San Jose City, Occidental Mindoro – 42.9 degrees Celsius
• Surigao City, Surigao Del Norte – 42.3 degrees Celsius
• Cuyo, Palawan – 42.2 degrees Celsius

Patuloy ang payo ng PAGASA sa publiko na iwasan ang paglabas sa kasagsagan ng mainit na sikat ng araw at palagiang uminom ng tubig.

Read more...